Watch more on iWantTFC Isang Filipino teacher sa Amerika ang hinahangaan ngayon dahil sa paggamit niya ng musika upang makapagturo ng Science at Math sa kaniyang mga estudyante.
"Kung titingnan niyo po kasi, kapag tayo ay tumugtog ng instrument, kahit ano pong ginagawa natin, mayroon siyang kasamang science," sabi ng 31 anyos na guro na tubong-Antipolo City sa panayam ng TeleRadyo. Tinuro rin ni Tulinao ang awiting pambata na "Tong Tong Tong Pakitong-Kitong" para makapagturo tungkol sa pangangalaga sa mga yamang-dagat.
Dahil sa kaniyang natatanging paraan ng pagtuturo, ginawaran nitong taon si Tulinao ng Urban Science Educator Development Award mula sa National Science Teaching Association ng Amerika.