Nasa kritikal na kalagayan ang isang Grade 7 na estudyante sa Calamba, Laguna matapos itong barilin sa loob ng kaniyang eskuwelahan.
Ayon kay Col. Eleazar Matta, provincial director ng Laguna Police, nasa loob ng classroom ang biktima nang pumasok ang gunman at binaril ito. Dinala sa HealthServ hospital ang biktima, pero idineklara itong brain dead ng doktor na si Richmonde Gole. Alam na ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek, na tinutugis na ngayon. Nangyari umano ang pamamaril alas-12:30, nang bigla na lamang binaril nang dalawang beses ang biktima ng lalaking nasa edad 30-35 anyos. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.