Sa ulat ni Russel Simorio sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, sinabing nilagyan ng bonnet ang mga labi ng biktima para matakpan ang mga malalaking sugat na kaniyang tinamo.
"Grabe ang ginawa sa kaniya. Nabasag ang ulo, pati dito pa, nabugbog sa mukha, talagang itim ang mukha niya," ayon sa kaanak ng biktima. Inakala noong una na naaksidente ang biktima sa Barangay Malayo nang makita ang katawan nito sa kalsada. Pero sa pagsisiyasat ng pulisya, napag-alaman nila mula sa mga saksi na nakipagkita ang guro sa isang lalaki bago mangyari ang krimen."Bale may kasama siya, nakaipag-inuman hanggang sa nagkaroon kami ng follow-up, na-identify naman sila at nagbigay ng kaukulang salaysay… lumabas na ganoon ang nangyari," ayon kay Police Major Rommel Sembrano, hepe ng Urbiztondo Police Station.
Education Education Latest News, Education Education Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »