[New School] I love your Filipino accent

  • 📰 rapplerdotcom
  • ⏱ Reading Time:
  • 45 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 21%
  • Publisher: 86%

Education Education Headlines News

Education Education Latest News,Education Education Headlines

'Hindi kailanman magiging kahinaan ang pagkakaroon ng maraming wika sa Pilipinas'

Ang wika ay isang makapangyarihang salik na siyang nagbubuklod sa isang nasyon. Partikular na sa kung paano nagkakaroon ng diskusyon na siyang nagbubunga ng iba’t ibang bagay tulad ng pagbabago at pagkakaisa.

Bagaman lahat tayo ay Pilipino ay tila nagkakaroon ng dibisyon sa tuwing mayroong nagtatanong kung saang probinsya nagmumula ang taong nakakasalamuha natin. Maaring ginagawa natin ito upang makahanap ng pakiramdam ng pagkakapareho mula sa ating kausap at magkaroon ng punto ng kaisahan. Ngunit sa ibang pagkakataon ay nagiging tanong ito dahil sa kakaibang intonasyon ng pananalita ng isang tao.

Kung lubos na bibigyang pansin, napakahalaga ng wika sa buhay ng maraming Pilipino. Hindi lamang ito instrumento ng pagpapahayag ng sarili o ng pagkikipag-usap ngunit isa ring tanda ng pagkakakilankilan at ng mapagpalaya nating pagkakaiba. Kung kaya naman hindi na dapat na nanaig ang pagkakaroon ng diskriminasyon o mababang pagtingin sa mga kababayan nating hindi maalam at bihasa sa pagtatagalog, lalo na rin sa Ingles dahil hindi lang ito ang wikang mayroon ang Pilipinas.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 4. in EDUCATİON

Education Education Latest News, Education Education Headlines