“Kamille! Pa-print ng mga pinadala sa email mo,” ang bungad sakin ng nanay ko kaninang umaga. At upang tumigil ang alarm na higit na mas mabisa sa aking selpon, agad akong bumangon at hinanap ang aking laptop.
Kaya kung tutuusin, masarap nga. Masarap ang buhay ko dahil pag-print lamang ang kailangan kong asikasuhin…sa ngayon. Habang patuloy na sumusuka ang printer namin, sinubukan kong basahin ang ilan sa mga dokumento. Bilang mag-aaral ng accountancy, maraming terminong pamilyar sa akin; ngunit dahil iba ang tinapos na digri ng aking mga magulang, may mga bahaging hindi nila lubusang maintindihan. Dahil dito, tinutulungan ko sila sa pag fill-up ng mga forms.
Kung obligasyon nating magbayad ng buwis, hindi ba’t obligado rin ang pamahalaan na gawing accessible ang proseso nito? Pilit man nating intindihin, matatawag pa rin ba tayong ignorante kung may pagkukulang din sa mismong sistema? Kung isasaalang-alang ang pinaghirapang kita, oras, at gastos na ginugugol ng isang indibidwal, una, upang kumita ng pera, at pangalawa, upang makapagbayad ng buwis, hindi naman makatarungan kung may mga hindi sumusunod. Lalong hindi katanggap-tanggap na mauuwi lang sa iilang bulsa ang perang dapat ikaaangat ng ating ekonomiya. Sarap. May mas sasarap pa pala sa buhay kong taga-print.
Education Education Latest News, Education Education Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: rapplerdotcom - 🏆 4. / 86 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »