BUHI, Camarines Sur — Timbog sa entrapment operation ng pulisya noong Martes ang isang 19 anyos at Grade 11 na lalaki sa Sitio Tawagan, Barangay Sagrada dahil sa umano'y pangloloko at "illegal recruitment."
Ayon sa pulisya, nagpapanggap na abogado at empleyado ng Social Security System ang suspek at nanghihingi ng pera sa mga biktima, kapalit daw ang mas madaling proseso sa pagkuha ng Unified Multi-Purpose Identification card.Umabot sa 18 ang nabiktima ng suspek, karamihan ay mga kabataang naghahanap ng mapapasukang trabaho at ilang senior citizens na nagpatulong naman na makagawa ng ATM cards para sa pensyon nila sa Government Social Insurance System o SSS.
Meron nagpapanggap na presidente, pero.....wala...🤪