Ito ang nakahiligan nang gawin ng Bikolanong artist na si Sheila Brobio ng lungsod na ito simula pa noong 2011."Tinawag siyang paper portrait kasi basically gawa siya sa papel. And then portrait kasi ni-render niya 'yung mukha sa papel. It's actually layered siya ng paper ng different colors na pineyper-cut para makuha 'yung mukha ng tao," aniya.
Watch more in iWant or TFC.tv Ang kakayahan ni Sheila sa pag-ukit sa papel ang naisip niyang paraan para kahit papano makatulong sa pangangailangan ng mga estudyante ngayong pasukan. "Kasi narealize ko ngayong pandemic, lalo na sa probinsiya, naririnig ko sa mga parents na nahihirapan 'yung teachers lalo na sa mga students sa pagprint o pagkuha ng modules. And isa, mga challenges ay kulang o walang papel. Parang malaki yung demand sa papel," ani Sheila.