MAYNILA — Isang grupo sa Makati City ang nangangalap ngayon ng mga pinaglumaang laptop para i-donate sa mga batang walang gadget, kasabay ng paghahanda sa nakaambang "blended learning" sa paparating na school year.
Sa ilalim ng blended learning, gagamit ng telebisyon, radyo, at internet ang mga estudyante para sa pag-aaral nilla, at kung maaari ay iiwas na sa face-to-face interaction kontra pagkalat ng coronavirus disease 2019 . Ayon kay Icon De Jesus, nagsimula ang proyekto nila nang mabatid ng isa sa kaniyang mga kaibigang guro na hindi lahat ng kaniyang mga estudyante ay kayang bumili ng laptop.
Tumatangap sila ngayon ng mga donasyon na lumang laptop na nasa maayos pang kondisyon pero hindi na ginagamit. Balak nilang ayusin ang mga lumang laptop para magamit ang mga ito sa video conferencing at online learning gamit ang web-based apps.Sila na rin ang nag-aayos ng courier service para makuha ang mga donasyon.https://www.facebook.com/icondejesus/posts/241834267269319/
Problem kc ay mga magna sa mga tabi tabi lng.