Ayon din sa internasyonal na organisasyon, malakas daw ang kaugnayan ng pang-ekonomikong status ng mag-aaral sa husay n'ya sa eskwelahan. Mas mahirap ka, mas malamang na mababa ang reading scores mo.
Mas mahirap ka, mas mailap ang makabuluhang edukasyong magbibigay sa iyo ng kakayanang magsuri at maglagom. Totoong pinakamalaking bahagi ng badyet nitong 2019 ay napunta pa rin sa edukasyon – pero nakatikim din and Department of Education ng matitindingMalaki nga ang badget, mukhang hindi pa rin ito sapat upang makapaghatid ng kalidad na edukasyon na"world-class." Dahil napakataas ng enrollment rates at napakababa ng proficiency ng mga mag-aaral.
Isa rin sa napag-alaman ng PISA ay ito: tanging 31% lamang ng Pinoy na estudyante na edad kinse anyos ang mayNagtataka pa ba tayo? Habang bukambibig ang"sipag at tiyaga" at"magsumikap ka," hungkag na ito para sa maraming nagsikap at walang pinatunguhan dahil na rin sa ampaw ang kanilang edukasyon. Idagdag pa diyan ang bias ng mga kumpanya sa pag-eempleyo ng mga gradweyt ng mga premyadong institusyon tulad ng Ateneo, La Salle , UP, UST atbp.